Napakatahimik na hapon. Tanging pagtipa ko lang sa keyboard ang maririnig. (hindi ‘to horror okay!)
Maya-maya pa humarurot ang bunganga ng kapatid ko. Kumakaraoke pare. Bumibirit (beat that!). Syempre natakot ako. Tapos napa “OH NO!” daw ako kunyari. Kasi syempre iniisip ko ‘yong mga nilabhan ko. Hindi pa natutuyo eh. Seryoso, naglaba ako. Ang dami nga eh. Isang basket buti na lang kamo may shinmashingwa akong kaagapay.
*Mabalik tayo sa kwento*
Okay! Maganda naman ang boses ng kapatid ko. Syempre kanino pa ba magmamana. Duh! Una niyang binanatan ALWAYS BE MY BABY ni Mariah Carey. Tawa ako ng tawa sa todoot todoo doot. Basta ‘yon. Wag mo ng halungkatin!
Tapos sinunod niyang kinanta “Indayyyyyyy iyayyyy wil olweys labyu uhh ohhhh” Masaya na rin. Okay lang. Basta huwag umulan.
Tapos may kinanta na naman siya. Hindi ko alam ang title. Hayun tumatahol ang aso ng kapitbahay namin. Nakikisabay sa pagkanta niya. Ang galing nga eh. Duet sila. Bongga. Ako rin, gusto ko din ng kaduet.
Tapos ayun tapos na. May magagawa ka pa? Syempre wala na. O may natutunan ka? Syempre wala. Sayang. Sayang. Sayang lang ang lahat lahat. Alam mo ‘yon. Ang sakit eh. Ang sakit sakit.
Ktnxdie!
Ang dull ng ambiance kaninang Circuits lecture.
Halos lahat niaantok. Walang umiimik.
Nakikinig lang. Pero hindi ko alam kung ‘yong iba eh nakikinig ba talaga.
‘Yong iba nakatuon ang atensyon kay sir, pero ewan ko kung nakapokus ba talaga
O baka naman lumangoy-langoy rin lang naman ang utak sa kawalan.
Ako? Syempre inaantok din.
Nagyoyawn. Pumipikit-pikit. Kinukurot-kurot ang sarili baka sakaling magising.
Ang tahimik talaga.
Si sir lang naririnig.
Tapos biglang parang naghi si sir sa isa naming kaklase.
Syempre tingin naman daw kami sa klasmeyt naming ‘yon.
BISTOOOO!
Ayun naman pala kasi nakatulog.
Nakapikit ang mata (alangan!)
Tapos ‘yong ulo niya medyo tumatabingi-tabingi. Something like that.
Ayos! Tawanan kami ng sobra-sobra sa klase.
Nabisto eh!
Pero natawa lang si sir.
Wahahaha!
At akalain mo bang hindi ako makapigil sa kakatawa.
Tipong back to normal na ulit ang lahat pero heto ako ngumingiti-ngiti.
Ekshelli, hanggang ngayon.
Bakit kasi hindi pwedeng matulog na nakadilat ang mga mata.
Sabi ni setamate “drawingan mo ‘yong sa mata mo”
Syempre! NAiimagine ko.
Hagalpak na naman ako sa kakatawa.
Grabe naman kasi.
Medyo malawak kasi ang imahinasyon ko at kung anu-ano naiisip ko noong mga panahong ‘yon.
Pati si seatmate eh halos matawa na rin sa kakatawa ko.
Sorry hindi ko mapigilan matawa.
‘Yon lungs naman.
Binigay ni Rhoj sa amin ni Michelyn ‘yong camera niya to show her pictures noong Bikini Open.
At hayun tingin dito tingin doon, pindot dito pindot doon, comment dito comment doon.
Eh medyo nandidiri talaga ako sa mga pictures ng mga lalake eh.
Nakakawaaaaah! Basta ganun.
Kaya naman si ako eh
Eloiski: Ayaw ko ng mga ‘yan. Gusto ko ‘yong mga babae! (Ang lakas pa ng pagkakasabi ko ah)
Classmates na lalaki: (Tinginan lahat sa akin sabay ngisi)
Leader: Hala! Akala ko full (basta may sinabi siya)
Samone: (Nakatingin lang sa akin na nakangisi)
Eloiski: WAAAAAAAAAH! Ano ba? Ano lang yon? Nakakadiri kasi tignan mga lalaki na nakabrip lang.
Michelyn: Tawa lang ng tawa.
At hayun! Halos mamula ako sa sobrang hiya ko.
I’m sorry na. I’m sorry.
Walang tao sa boarding house.
Ang landlady, wala.
Ang mga anak ng landlady, wala.
Ang alagang aso ng anak ng landlady, wala.
In short, home alone.
Bale kaming dalawa lang kami ng pinsan ko kagabi sa boarding house.
Isinara ko mabuti ang pintuan.
Lahat ng lugar na pwedeng pasukin ng masasamang-loob, sinara ko.
Saradong-sarado.
Ang nakakatakot lang, paano kung lumindol.
Ayos! Maghihirap pa kaming buksan ang lahat ng mga locks na nilagay namin.
Pero ah basta.
Nag-enjoy ako sa Home Alone moment namin ng pinsan ko.
Nagpabili ako ng Nutella at Tasty kay pinsan.
At hayuf! Friday pala ngayon kaya naman eh syempre, Bubble Gang.
Nood moment ang ginawa ko.
Ang saya kaya.
Masaya.
Busog na busog akong natulog.
Uuulitin ko, masaya ako.
Yehey! Sana next time ulet.
Hakhak!