"Isang click ka lang.." - sabi ng Canon S5IS ni Eloiski

Home » Archives » April 2010

Kung Fu Audition

April 29, 2010

 

Sakit ng tiyan ko kakatawa dito ah.  Ayos ang trip.  Ganito dapat eh.  Pagkatapos ng madugong exam, takbo sa compshop at maghanap ng laptrip na videos.  Kahit papaano medyo nawala ang worries.  Okay pa naman ako.  Buhay pa naman.  Number 1 talaga ang adik. 

 

Posted by eloiski at 10:46 am | permalink | Add comment

Si OLIbeh at si SAMone

April 1, 2010

Si SAMone

Isa sa mga best buds ko ‘yan.  Kwela.  Maingay.  Madalas laging masaya.  Para ngang walang problema eh.  Pero kapag seryoso ang mukha, ayaw naming iapproach ni Olibeh, para kasing sisigawan kami eh.  Nakakatakot.  Hakhak.  Kapag galing ako sa ibang klase ko at talaga namang halos pangmahal na araw ang mukha ko, “Strength na naman?” tanong niya? Hindi ako umiimik kasi badtrip talaga eh.  Masama talaga loob ko.  Magpapatawa siya.  Papasayahin ka niya.  Kaso hindi ako affected sa mga ginagawa niya.  Hanggang sa kakantahan na niya ako ng “May bukas pa…”.  Hayun at nasapak ko ang pagmumukha niya.  Pero naappreciate ko naman ang effort niya para patawanin ako.  Tapos kapag nakasimangot pa rin ako at hindi umiimik, hayan at babanat na siya ng mga words of wisdom niya.  At okay sige na nga, move on.  

Kapag wala pa ang professor, hayan na naman at mangungulit.  Ilalabas ang baraha niya at magmamagic.  Kung anu-anong magic ang pinaggagawa niya.  Pero nakakatuwa.  Ang hardcore naman kasi niya.  Ang dami niyang nalalamang balasa.  Minsan napatanong ako “Bakit nahilig ka ata sa pagmamagic gamit ang mga baraha?”.  ”Kesa naman magdota ako!” ang sagot niya.  Mabuti, mabuting estudyante.  Minsan niyaya ko siyang maglaro ng 41 o kaya Lucky 9.  I’m sorry pero halos mapatumbling ako sa kakatawa.  Eh kasi naman, hindi siya marunong maglaro ng mga ganun.  Kaya bilang isang mabuting kaibigan, tinuruan ko siya ng mga laro sa baraha.  At tuwang-tuwa naman si SAMone.  

Pero alam mo kung ano ang pinakanakaka sa lalakeng ‘to.  Iyon ay kanyang kakesohan.  Ampucha!  Nagyaya ba naman manood ng Pa’no Na Kaya?.  So, ayun sige na nga at pumayag na ako.  Sino ba namang tatanggi sa libre di ba?  Hakhak!  Ayun ang hardcore.  I’m sorry pero ang naenjoy ko lang talaga na part eh yung sa may cake.  Ang hardcore mga pare.  Meron bang layered cake na ganoon kagaan.  Walangya!  Tawa na lang kami ng tawa eh.  Hindi namin naisama si Olibeh sa panonood kasi naman umabsent.  Ang adik niya.  

Si OLIbeh

Ito ang tipo ng taong ewan.  Lahat dinadaan sa joke.  Napakagreen.  Sobrang green.  Kapag bumanat na ‘yan, halos mapapatumbling na lang ako sa kakatawa.  Medyo long hair siya dati.  Kaso nung nagpagupit, walangya gusto ko siyang ihulog sa bangin.  Eh paano gumwapo ang loko.  Gwapings pala eh.  Pero mas gusto ko pa rin ang long hair niya.  

Siya ang kadalasan kong kasama kapag maglulunch.  At dahil parehas kaming tipid as in tipid mode talaga, doon kami sa paborito naming kainan.  Bukod sa friendly na sila manang eh pinagsisilbihan pa kami ng bonggang-bongga.  Isa rin siya sa rawet (matakaw) kong kaibigan.  

At kapag walang professor at mahaba-haba ang vacant naming dalawa, pupunta naman kami ngayon sa Session Road.  Bibili muna ng ice cream tapos maglalakad papuntang SM.  Tawanan dito, tawanan doon.  Kwento dito, kwento doon.  Iikutin ang SM.  Pupunta sa kung saan-saan pero walang bibilhin.  Wala lang.  Titingin-tingin lang.  

At bakit ko sila nakwento?  Masyado lang talaga akong masaya ngayong araw na ‘to.  Eh kasi naman eh.  Ilang araw na akong kinakabahan sa grades ko.  Sobrang kinakabahan.  At halos mabura ang lahat ng kaba ng makita ko na ang aking mga tumataginting na grades.  Ang saya ko.  Wala akong bagsak.  Pero mas pinasaya dahil nagtext si SAMone at sinabi niyang pasado din niya lahat.  Kay Olibeh, wala pa akong balita.  Pero sure ako na pasado rin niya lahat.  Masaya ako para sa aming tatlo.  Successful ang seating arrangement namin.  Hakhak.  Kadalasan kasi laging nagpapaseatwork ang mga profs at hayun heto kami, ang individual activity nagiging group activity sa amin.  Tanong dito, tanong doon.  Ganyan talaga. 

Ang saya!  Gusto ko tuloy silang mayakap sa kasayahan!  Sabay-sabay kaming mag-eenroll! Yahoooooooooooo!

AYLABYU LORD NG TODO TODO WALANG PRENO.  YOU’RE THE BEST TALAGA!  


Posted by eloiski at 12:20 am | permalink | Add comment