"Isang click ka lang.." - sabi ng Canon S5IS ni Eloiski

Home » Archives » March 2010

Batang pinagkaitan ng pagkain

March 23, 2010

Ang saya talaga kapag summer.  Andito sa bahay, nakatengga.  Pero mas pinasaya kapag home alone ka kahit minsan.

Kaya naman noong home alone ang drama ko ayun at soundtrip ng sobra sobra.  Wala na akong pakialam sa kapitbahay namin.  

Si mama kasi kapag nagpapatugtog ako lagi nagrereklamo.

“Nakakaantok naman ‘yan!” kapag yung instrumental classical nipapatugtog ko.

o kaya naman “Ano yan, ang sakit naman sa tenga”, kapag eraserheads na ang pinapatugtog ko.

eh ayos, eh di pinatay ko na lang.  At hayun, siya ang nagpatugtog.

Huwag niyo na tanungin kung anong musika ‘yon, basta kapanahunan niya. Hakhak!

kaya ngayon at wala sila, ayos this my show, this is my time, showtime! hakhak!

Nag-on ng laptop tapos nagnenet.  

Tapos bigla natomguts, takbo sa kusina at bukas ng ref.

Laking gulat ko.

Wala ang mga pagkain na nilagay ko doon.

eh sa pagkakaalala ko eh, nilagay ko yung mga nigrocery ni mama sa ref tulad ng mallows, yakult at chocolait.

kaso wala ni anino man nila. 

tandang-tanda ko talaga, doon ko lang nilagay yung mallows eh. as in doon sa itang-kita ko agad.

may junkfoods namang binili si mama kaso ayaw ko nun, bad ‘yon sa katawan eh.

hindi naman siya nutritious. hakhak!

kaya kinain ko na lang yung tinapay sa lamesa.

tapos internet ulit.  

sanay kasi ako na kapag nagnenet eh may nilalamutak na pagkain.

maya-maya dumating na mga kapatid ko.

pumasok sila sa kwarto.

may dala-dalang mallow si teltel

at umiinom naman ng yakult si lunlun.

“hala! saan niyo nilagay yang yakult at mallows?”

“eh. tinago namin.”

“bakit niyo tinago? ang sama niyo. hanap ako ng hanap!”

“eh kasi uubusin mo na naman”

“oo nga. parang yung stick-o oh. walang natira. ubos na ubos.”

“waaaaah! ang daya niyo.”

“kain ka ng kain di ka naman tumataba!”

“ate pahiram ako ng dibidi mo.”

“ayawww!”

“ate painternet ako!”

“ayawwwwwww!”

“ate sa’yo na lang tong dalawang mallows. magyoyoville lang naman.”

“ay heto sige na nga, tatlo na sa’yo”

“o ikaw na! maglaptop”

labas ng kwarto.

pinuntahan si mama.

“mama sama ako palengke.  kain ako ng halo-halo.”

dahil ganyan kasama ang loob ko. bakit? bakit? bakit kelangan nilang itago ang pagkain sa akin?  nakakalungkot.  ang sama nila.  minsan na nga lang ako dito sa bahay eh, dadamutan pa ako ng mga kapatid ko.  oo, nagtatampo ako. kaasar.

at oo ate ako eh dapat di ba medyo bossy kaso hindi naman ako ganun. slight lang. 

 

Posted by eloiski at 12:35 pm | permalink | Add comment

Walang Load

March 21, 2010

Sa wakas.

Nagload na rin ako after how many months.  Siguro mga six months and how many weeks and days din yun.  Wala lang.  parang mas peaceful pa ang buhay ko kapag walang load.  Para kasing hindi ako naooblige na magreply kasi may rason naman ako kung bakit di ako makakareply di ba?  Two words: WALANG LOAD.

Hindi naman kasi ako adik magtext.  Ewan ko pero ang sakit sa kamay eh.  Ang sakit sa mga daliri.  Wala lang.  Hindi ko masyadong nagagamit ng sobra sobra ang selepono ko.  Kung gagamitin ko man, iba ang gamit biya.  Hindi bilang tool for communication kundi para:

1. alarm clock - yeah right.  hindi ako nagigising ng maaga kapag walang alarm.  Nagtry ako ng alarm clock na as in alarm clock kaso hindi ako nagigising.  Pero sa selepono.  Intro pa lang ng alarm gising talaga agad ako.  

2. memopad - kapag may gusto akong dapat  kaso tinatamad kunin ang ballpen sa bag eh ayun selepono ang sandigan.  Kunting type save message.  ayun may notes na.  

3. flaslight - dahil malabo ang mga mata ko, at minsan ay napapadaan ako sa mga kalyeng mahina  o walang ilaw eh nilalabas ko si selepono para ilawan ang dinadaanan ko.  Kapag brownout, labas agad ng phone para hanapin ang kandila, posporo at kung anu-ano pa.  

4. calendar - yeah right.  hindi naman kasi poreber eh hawak mo ang kalendaryo. kung meron man andoon pa sa loob ng wallet ko.  so buti na lang may selepono.  kapag may imemention na date ang prof about deadlines, tingin agad sa phone tapos bibilangin ang araw bago ang deadline.  

5.  entertainment - kapag bored ako sa paghihintay ata wala naman talaga akong ibang bagay para maentertain ako eh pinagtytygaan ko ang games ng aking selepono.  nakakabore ang laro. ang sarap itapon.

At dahil nga nagload ako.  ngayon naman namomroblema ako kung paano ko uubusin ang load ko.  nakuuu naman.  textmate, anyone? 

Posted by eloiski at 6:33 pm | permalink | Add comment

Halimonster sa Panaginip

March 20, 2010

Ang dilim. 

Maya-maya may tumawag sa akin. 

“Ateeee!”, umiiyak ang boses. 

“Ateee tulungan mo ‘ko.”, boses ng kapatid kong babae. 

Hinahanap ko siya, kaso ang dilim talaga. 

“Tellll”, tawag ko sa kanya. 

Kaso walang boses na lumalabas. 

Sumigaw ulit ako at tinawag pangalan niya, wala pa rin. 

Unti-unti nang nawawala boses.

Basta yaong tipong nagfefade.

Hanggang sa tuluyan na ngang nawala

Sa pagkakataong ‘yon, hindi na ako makagalaw. 

Pinipilit ko gumalaw kaso ayaw. 

Pero pinilit ko pa rin, pinagdikit ko ang mga kamay ko na para bang nagdadasal. 

Ayos!

Nakagalaw na. 

Pero mga mata ko pilit na pumipilkit. 

Pero hindi pwede eh. 

Kelangan magising. 

Pinilit kong buksan. 

Akala ko gising na ako. 

Hindi pa rin pala. 

Pinilit ko labanan ang pagpikit at pagkamanhid. 

At sa wakas, nagising din.

Ganun pala feeling na mabangungot. 

Nakakatakot.

Ayaw ko na tuloy matulog,

Takot much?

Pero imposible na hindi ako matulog.

Kelangan pa rin matulog eh.

Iyon nga lang, medyo andoon na ang takot.

Baka bigla na naman ako sugurin ni Halimonster sa panaginip.

 

Posted by eloiski at 12:03 pm | permalink | Add comment

Pagpapakuryente sa nakakakuryenteng subject, di natuloy

March 18, 2010

You know what sucks?

 Basta! Nakakaasar.  Alam mo yun?  Nag-effort naman ako kahit papaano magreview.  Binasa ko naman ang dapat basahin.  Minemorize ang dapat imemorize.  tapos anong nangyari?  ANONG NANGYARI???

WALANGYA!  Kinancel ng magaling kong professor ang exam namin.  

Alam mo yun?  ready na ang sistema ko eh.  Nagpakuryente na ako’t lahat lahat.  Pati mga transistor, inintindi ko. lahat-lahat.  Hinanda ko na ang sarili ko sa pagsasalang sa akin sa ELECTRONICS na subject ko.  

Tapos eto, WALA.  Nasaan ang hustisya?  Nasaan?  

Nakakabadtrip.  Nakakamura.  Sarap sumigaw.  Nakakainis!

GRRRRRRRRR!

Posted by eloiski at 5:51 pm | permalink | Add comment

Tokyong Jumapanice sa SM

March 16, 2010

Nag-esacape sa klase para kumain.  Mabuting estudyante, tama ba?  Oo naman.   Eh sa tumutunog-tunog na tiyan ko eh.  Ayaw ko naman makaistorbo kaya sige, takas. 

Pumunta kami ni kaibigan sa SM.  At dahil nakakasawa na ang McDo at Jollibee, nagtry kami ng bago.  Tinignan ang mapa ng SM.  At hayun.  May nakita ako.  Ang cute ng name.  “KITARO SUSHI”.  Oh di ba?  NapakaJAPANice!  Inorder ko tempura tapos nag-order din ng midnight cake for dessert.  

Masarap.  Feel na feel ko ang pagkain.  Medyo naigno nga lang ang kaibigan ko.  Hindi niya alam ang gagawin.  Medyo may pagkasosyal kasi ang restaurant.  Buti na lang kamo at nanonood ako ng mga foreign movies at alam ko kung ano ang dapat gawin.  Hakhak!  Feel na feel niya magchopstick.  Pero ako nagkutsara.  Tongenuh, eh sa gutom na ako.  Ayaw ko  ng pakunti-kunti.  Gusto ko nilalamutak talaga ang pagkain.  At oo feel ko magchopstick iyon eh kung hindi ako tomguts. Hakhak!

 Pagkatapos kumain, pumunta kami sa 4th floor ng SM, yaong pinakataas, sa lugar ng mga gadgets.  Gusto ko kasi bumili ng green na keyboard at green na mouse para kay Juan, ang aking laptop.  May nakita ko ang astig. Tongenuh! Nafofold at green pa talaga.  Kaso, parang hindi ko ata feel.  Ngayon pumunta ako sa iba pang shop, may nakita ako green ang sample pic.  Kaastig men!  Kaso kaso kasoooooo walang green.  Leche!  Alam mo kung anong available color?  PINK!  Kung minalas ka naman ng sobra sobra.  Pinilit ko si kuya na nag-aassist na ilabas na niya yung green.  Pero sabi niya wala talaga kaming stock.  Kaso mapilit ako, sige na kuya.  Kaso wala nga daw talaga.  So hayun, binili ko na ang pink.  At pati mouse ko, pink din para terno.  Kaso, nakakadepress pa rin.  Lintik!  PINK.  Napakadepressing na color.  

Then pumunta ako sa TiongSan paara naman bumili ng calculator.  991ES PLUS! Tongenuh oh.  May plus pa.  Baka sasusunod naman multiply tapos minus o kaya baka divide.  Bongga!  Hakhak!  Tapos hinila ako ni kaibigan sa may mga accessories ng laptop.  Wapak.  Napabili tuloy ako ng Headphone.  Cool naman siya.  Malakas.  Ayos na.  kaso hindi green eh.  Next time na lang kapag may ipod touch na ako na siyang pinag-iipunan ko ng sobra sobra.  Matagal ko ng pangarap yun eh.  

Ay bumili din pala ako ng pencil case. At iyon naman ang green. Yes nemen! 

Posted by eloiski at 5:19 pm | permalink | Add comment