Masyado akong natutuwa sa project 365. Araw-araw lagi kong partner in crime si Uno. At feel ko naman na tuwang-tuwa siya dahil sa wakas nagkaroon na rin kami ng bonding.
At dahil nga doon, ni hindi ko man lang mabisita masyado ang i.ph ko. Si wordpress hindi ko na rin masyadong naeexplore. Ni wala na nga akong time magbloghop. Si multiply, wala na. Tuluyan na siyang nabura sa sistema ko. Pero babalikan ko pa rin naman siya. Ewan ko lang kung kelan.
Si Tumblr. Nangunguna talaga sa puso ko ‘yan eh. Diyan ko kasi nilalagay ang adventures namin ni Uno. Nakakaenjoy din kasi magbackread sa tumblr. Ang daming pictures. At oo, adik ako sa picture. Adik na adik pare.
Si Deviantart. Pumapangalawa na siya ngayon kay Tumblr. At nagustuhan ko rin siya kasi ang daming pictures. Mga artisans talaga mga tao doon. Nakakatuwa. Nakakaengganyo. Ang daming tips. Mag-iimprove ka talaga.
Si Friendster? Ay buhay pa ba ‘yon? Wala na eh. Iyon talaga ang lumot na. Limot na limot ko na. Wala na. As in dead na.
Si Twitter. Hindi ko na rin masyadong nabubuksan. Wala lang. Hindi ko siguro feel. Ang bowringh kasi eh.
Si Plurk. Nagsama din kami ng matagal niyan. Naadik din ako sa kanya. Nagsilbi din siyang diary ko. Kaso ewan, natabangan na ako sa kanya. Tinatamad na ako. Hanggang sa naasar ako sa kanya. Ang kuripot niya kasi sa karma. kaya hayun break na kami. Wala na!
Si Facebook. Hindi ko na rin siya masyadong nabibisita. Nag-oonline ako oo. Pasilip-silip lang sa kanya. Ganun lang. Tapos wala na. Logout agad ang drama. Ewan ko ba.
At oo mukhang nabubuhay na ako sa mundo ng mga wires. Sa mundo ng cyberworld. At parang nawawalan ng social life. Oh kamon! Pero please UNO, wag mo akong iiwan ah. Best bud talaga kita poreber en eber amen. Mahihirapan talaga ako sa adventures ko kung wala ka. O kaya baka wala ng adventure ang buhay ko kung wala ka ng talaga.