Brrrr
Ang lamig talaga!
Parang kinikilig-kilig lang
Tinignan ko thermometer
Anakngtokwa! 13 degrees celsius.
Kaya pala di ako masyado nakaconcentrate matulog
Pero at the same time napahaba naman tulog ko
Hindi tuloy ako nakapagreview.
Pero okey lang
Naniniwala talaga ako sa stock knowledge ko
Sobra!
Kaya sige
Makaalis na nga
Magquiquiz pa
Pero okey lang
Makikita ko naman SIYA!
Hakhak!
Uy Kilig! Uy kinikilig!
If you want to be free from distractions,
If you want to focus in research matter for your thesis
If you want to get the answers from those unsolvable equations
If you want to get rid of any disturbances
If you want to just concentrate in your studies
Well, you better use the computers in our library
No Facebook,
No Wordpress,
No Tumblr,
No Plurk,
No Deviantart,
No Blogspot,
No NUISANCES
For educational purposes only!
WTF?!
Injustice!
Unfair!
Free me from bondage!
Now what?
Hell yeah! Boredom!
Atlast!
Sa wakas!
Bagong eyeglasses!
Pinataas pa!
Dati 125 ngayon 200 na
Pero cool naman ang lens
Hindi na mukhang geeky
Hindi na mukhang nerd
Parang simpleng tao lang na nagkataon na may eyeglasses
Ganun na ang porma
Kitang-kita na ang dapat makita
Sobrang linaw
Tipong okay na okay pangopya
Hakhak!
Yehey!
December 8, 2009
Iyan ang date!
Busy akong nanonood ng dibidi.
Dibidi marathon kasi ako ngayon.
Tuwang-tuwa nga ako sa panonood ng Honey and Clover.
Maya-maya pa’y nagtaka ako. Bakit ang usok usok sa labas.
Ah baka kako eh may nagsusunog lang talaga.
Hindi ko na lang pinansin.
Nood ulit ng dibidi.
Maya maya pa’y sumisigaw na katulong ng kapitbahay namin.
Nasusunog! Nasusunog!
Takte! Napatayo ako sa aking kinauupuan.
Pumunta sa likod ng bahay!
Anakngtokwa! Nasusunog yaong kalapitbahay namin.
As in kalapitbahay lang talaga.
Lolo ko nagpapanic na.
Lola ko ninyenyerbyos na.
Kaming tatlo lang sa bahay eh.
Yaong ibang kapitbahay nagsikuha na ng tubig.
Ako naman kinuha yaong hose na pandilig ng mga halaman.
Sabay bukas ng gripo.
Takbo doon sa kalapitbahay.
Hayun! Medyo nawala na ang sunog.
Hanggang sa tuluyan na ngang nawala.
Hanggang sa abo na lang natira.
At saka dumating ang mga bumbero.
Buti kamo at cool lang ako kaya nagawa ko pang kumilos at magtatakbo.
Lola ko halos mapaiyak na.
Sobrang nyerbyos na nyerbyos.
Pero syempre kinabahan din ako noh.
Eh ang lapit kaya nun sa bahay namin.
Paano kung pati kami madamay. Damay-damayan na lahat.
Balak ko na nga sanang buhatin yaong tibi.
Tapos kunin lahat ng pera sa kabinet.
Tapos iligtas itong gamit ko ngayong computer.
Isama mo pa diyan ang refrigerator at ang washing machine namin.
Tapos yaong sala set pa pala.
Pero hayun.
Sa awa ng Diyos nawala agad ang apoy.
Wala naman masyadong napinsala.
Buti na lang.
Pero ganoon pala ang feeling noh.
Nakakatakot.
Nakakanyerbyos.
Nakakapanindig balahibo.
Sabi nga nila manakawan ka na, huwag lang masunugan.
GRABE LORD! PINAKABA MO AKO DOON AH! PERO THANK YOU TALAGA! AYLABYU!
Syangapala tumawag si mama.
Ano raw ba nasusunog.
Sabi ko yaong kalapitbahay natin.
Nyerbyos agad ang nanay ko.
Sabi ko naman, “ma, wala na yung sunog.”
Naranasan mo na ba na tipong wow! ang hirap naman ng quiz.
Pero sure ka naman sa dalawang numbers.
Ayos! 2 out of 4 questions sure na sure ka.
Sigurado kang tama talaga yun.
Kaya nakalabas ka naman ng klasrum na hindi talaga nosebleed.
Maya-maya nagtanungan kayong magkaklase.
“Ano sagot mo sa number 4?”
Ayos! Alam ko sagot dun. Kaya nagmalaki naman ako.
“Diba r2=2r1 at yung r3=2r1 din.”
“Ha? Hindi kaya! Thrice yung sa r3!”
“Anakngtokwa! Gumana na naman kahinaan ng mata ko!”
Wala akong ibang masisi kundi mga mata ko!
Parang gusto ko na ngang bunutin yung mga eyeballs ko
At pagkatapos ipapalapa sa mga buwaya.
Nakakainis!
Score na! Points na eh! Naging betlog pa.
Nakakalungkot!
Sarap magsuicide.
At hayun!
Sira na ang araw ko.
Nakakawalang-gana.
Kelangan na ata iupgrade si eyeglasses ko.