"Isang click ka lang.." - sabi ng Canon S5IS ni Eloiski

Home » Archives » October 2009

Pepeng Hits! (Sakit!)

October 18, 2009

Nakakapraning.

Nakakaexcite.

Nakakaewan.

Hindi ko maintindihan.

Ika-17 ng Oktubre 2009.

Mga alas singko ng hapon.

Pumunta ng terminal.

Sarado daw ang Naguilian Road.

Naloka.

Nabaliw.

Hindi alam ang gagawin.

Pero pwede pala sa Marcos Hi-Way.

Ngunit isang daan at sampu ang pamasahe.

Estudyante, Senior citizen o ordinaryong nilalang ka man.

Napabackout.

Nag-isip.

Singkwenta lang laman ng bulsa.

Walang laman ang pitaka.

Nagkalkal ng bag.

Naghanap ng barya.

Ayos! May mga limang piso at sampu.

Hayun! At nabuo ang isang daan at sampu.   

Sumakay ng bus. 

Maya-maya pa’y nagreklamo ang tiyan.

Buti kasama ang pinsan.

Hayun at siya’y may dalang Boy bawang.

Nakakatuwa.

Nakakaexcite.

Kasi perstaym ko dumaan sa Marcos Hi-way.

Hindi mazigzag tulad sa Naguilian.

Pero isang napakahabang daanan na pataas pababa.

Parang roller coaster.

Kaso biglang may lubak lubak.

May putik putik.

Hindi mabilis.

Pahinto-hinto.

Tingin sa labas ng bintana.

Ang daming landslide.

Nakakalungkot.

Nakakapanlumo.

Pagdating sa bahay.

Wow!

Putik dito, putik doon.

Ayos!

Parang bukid ah!

Kulang na lang kalabaw.

Di bale na.

Basta nakauwi ng ligtas dito sa bahay.

At okey mga kapatid, sila nanay at tatay.  

Posted by eloiski at 12:28 pm | permalink | Add comment