"Isang click ka lang.." - sabi ng Canon S5IS ni Eloiski

Home

DL Student: Magiging ganyan ulit ako.

July 16, 2010

Hindi na ako nakukuntento sa pasado lang.

Hindi na ako natutuwa sa pasado lang.

Hindi na ako nasisiyahan sa pasado lang.

Gusto ko perfect.

Marami na dapat akong naperfect na mga quizzes eh.

Pero dahil tinamaan nga naman ako ng katangahan

Hayun, napapalagpas ko ang mga pagkakataon.

Ang dali-dali kung tutuusin eh.

Dapat nakatatlong perfect quiz na ako sa Logic Circuit.

Kaso hindi ko nakita ng mabuti ang mga numero.

Hayun, mali.  Hindi tuloy perfect.

Meron na namang isa sa Logic Circuit perfect sana kaso hindi ko naipakita ng maayos ang solution ko

Tapos ang underscore napagkamalan kong dash

Hayun.  Mali ulit.

Hindi tuloy perfect.

San Communications 1.

Perfect ko sana.  

Madali eh.

Para sa akin.

Kaso may mga ilan pa ring bumagsak.

Nakakalungkot lang.

Pero sayang talaga perfect ko sana.

Alam ko naman isolve ang Q, hindi ko lang talaga alam na selectivity pala angtawag sa kanya.

‘Yong number 5 kayako naman isolve kaso naubusan sa oras.

Hayan tuloy hindi perfect.  

Gusto ko kasi talaga perfect.

Dalawang 5 units na subject ‘yon eh.

At ang nagpasaklap naman sa araw ko ngayon.

Buti na lang kamo at uwian na at hindi na masyadong nasira ang araw ko.

Bale nakielam kasi ako ng gamit ng kaklase ko.

Nakita ko ‘yong manual.

May nabasa ako.

At doon na nagsimula ang depresyon.

Hindi ko na tuloy naintindihan ang lesson kanina sa Instrumentation.

Paano ba naman kasi nakita ko pala na ang barometer eh ginagamit na pangmessure ng pressure at basta…

Hayun.  Eh di mali ko na quiz ko.

Wala na…

Ang perfect score na ineaim ko wala na.

Nadepressed ako ng isang oras.

Kaya isang oras din akong walang naintindihan sa instructor ko.

Naaawa tuloy ako kay sir dahil hindi man lang ako nakinig sa kanya

Nilamon ang utak ko ng Thermodynamics.

Mahal ko ang Thermo sa totoo lang kaso minsan talaga ang katangahan ko lumalala kaya wala hindi naperfect.

Ang sayang talaga!

PERFECT.  PEFECT SCORE NA NGAYON ANG GOAL KO.

AT KELANGAN MAG-DL NA ULIT AKO.

EWAN KO.  BASTA GUSTO KO ULIT MAG-DL 

dati ayaw ko naman kasi pag dl naprepressure ako

marami silang ineexpect

pero ngayon, ewan ko ba.

gusto ko na ulit makita pangalan ko sa dean’s list.

MAGIGING DEAN’S LIST STUDENT ULIT AKO.

DL DL DL DL DL DL DL DL

(Kasi noong 3rd year, nagloko talaga ako noon eh.  Mga grades ko nakuuu!)

PERO NGAYON DAPAT iline of nine na ulit.  

Posted by eloiski at 6:25 pm | permalink | Add comment

P-E-R-F-E-C-T

July 11, 2010

Tatlong magkasunod na quiz.

Tatlong magkasunod na paglagapak.

Nadepressed ako ng sobra.

Wala kasi akong maisagot.

Kung meron man hindi ako sigurado.

Nagsulat-sulat na lang daw ako

Para naman medyo masayang ang tinta ng bolpen ng titser.

Depressed talaga ako.

Dati-rati parang wala lang sa ‘kin kung wala akong maisulat sa papel.

Hindi ako masyadong nagwoworry.

Ngayon, biglang binagyo ang utak ko.

Ayaw ko na ng constant.

Ayaw ko na makakuha ng bagsak na scores.

At higit sa lahat gusto ko na uit maging dean’s lister.

Ano ba nakain ko?

Hindi ko alam.

Basta ang alam ko sinisipag na ako sa pag-aaral.

Masarap mag-aral.

At hayun nga depressed talaga ako.

Pagkatapos kong madepressed okay na.

Pagkabalik ng papel, wala na.

Hindi na ako nadepressed.

Inunahan ko na eh.

At ano ang score ko?

Syempre bagsak.

Pero itinawa ko na lang.

Wala munang panahon para madepressed.

Mas may karapatan ang katabi ko na madepressed dahil 5 lang nakuha niya over 90

Pero nakangiti pa rin siya

Tumatawa

Ganun din ang iba na mas mababa pa sa score ko,

Tawa lang sila ng tawa

Kantyawan.  Asaran.  Tawanan.

Nakisali na rin ako.

Ewan ko ano ba ang dapat na maramdaman

Malulungkot ba ako dahil sa score ko?

Oh whatebur! 

Tomorrow is another day.

Iperfect na lang ang next quiz.

Yeah.  Target eh PERFECT.

PERFECT.

PERFECT.

P-E-R-F-E-C-T

Posted by eloiski at 12:02 am | permalink | Add comment

I love being busy

June 17, 2010

Anakngtokwa.  Magkakasakit ata ako sa puso dahil sa mga instructor ko.  Nakakatakot sila.  Waaaah!

Tapos tapos tapos…

Waaah! Ewan hindi ko maikwento kasi natatakot nga ako eh.

Ah basta.  I’m scared!  I’m afraid!

Sobrang nyerbyos na ako lagi.

Tipong papasok sa iskul kinakabahan na.

Hindi mapakali.

Nakasubsob sa libro.

Basa ng basa.

pero nag-eenjoy ako sa pagiging busy ko.

I love being busy.

Para kasing ang useful ko.

Kasi kapag petiks petiks parang wala akong kwenta…

I feel futile.

Hakhak!

Anyways…

Sana nga magtuluy-tuloy na ang kabusyhan kong ito para makalimutan ko na rin ang mga abgay na dapat kalimutan.

Maganda rin ang busy eh.

Hindi mo naiisip na gawin ang isang bagay.

Anong bagay ‘yon?

Ay wala ka na dun.

Maganda rin maging busy kasi ang sarap ng tulog ko.

Pagod eh.

Okay! Layas larga na ulit.

Mag-aaral muna daw ako.

Ay teka.  Kakain lang muna. 

Hakhak!

Posted by eloiski at 2:23 pm | permalink | Add comment

Kinurot ko ouch kinurot kurot ko ouch

May 27, 2010

Napakatahimik na hapon.  Tanging pagtipa ko lang sa keyboard ang maririnig. (hindi ‘to horror okay!)

Maya-maya pa humarurot ang bunganga ng kapatid ko.  Kumakaraoke pare.  Bumibirit (beat that!).  Syempre natakot ako.  Tapos napa “OH NO!” daw ako kunyari.  Kasi syempre iniisip ko ‘yong mga nilabhan ko.  Hindi pa natutuyo eh.  Seryoso, naglaba ako.  Ang dami nga eh.  Isang basket buti na lang kamo may shinmashingwa akong kaagapay.  

*Mabalik tayo sa kwento*

Okay!   Maganda naman ang boses ng kapatid ko.  Syempre kanino pa ba magmamana. Duh!  Una niyang binanatan ALWAYS BE MY BABY ni Mariah Carey.  Tawa ako ng tawa sa todoot todoo doot. Basta ‘yon. Wag mo ng halungkatin!

Tapos sinunod niyang kinanta “Indayyyyyyy iyayyyy wil olweys labyu uhh ohhhh”  Masaya na rin.  Okay lang.  Basta huwag umulan.

Tapos may kinanta na naman siya.  Hindi ko alam ang title.  Hayun tumatahol ang aso ng kapitbahay namin.   Nakikisabay sa pagkanta niya.  Ang galing nga eh.  Duet sila.  Bongga.  Ako rin,  gusto ko din ng kaduet.  

Tapos ayun tapos na.  May magagawa ka pa?  Syempre wala na.  O may natutunan ka?  Syempre wala.  Sayang.  Sayang.  Sayang lang ang lahat lahat.  Alam mo ‘yon.  Ang sakit eh.  Ang sakit sakit.

 Ktnxdie!


Posted by eloiski at 6:56 pm | permalink | Add comment

Tulog na bebe

May 5, 2010

Ang dull ng ambiance kaninang Circuits lecture. 

Halos lahat niaantok. Walang umiimik.

Nakikinig lang. Pero hindi ko alam kung ‘yong iba eh nakikinig ba talaga.

‘Yong iba nakatuon ang atensyon kay sir, pero ewan ko kung nakapokus ba talaga

O baka naman lumangoy-langoy rin lang naman ang utak sa kawalan.

Ako? Syempre inaantok din. 

Nagyoyawn.  Pumipikit-pikit. Kinukurot-kurot ang sarili baka sakaling magising.

Ang tahimik talaga.

Si sir lang naririnig.

Tapos biglang parang naghi si sir sa isa naming kaklase.

Syempre tingin naman daw kami sa klasmeyt naming ‘yon.

BISTOOOO!

Ayun naman pala kasi nakatulog.

Nakapikit ang mata (alangan!)

Tapos ‘yong ulo niya medyo tumatabingi-tabingi. Something like that.

Ayos! Tawanan kami ng sobra-sobra sa klase.

Nabisto eh!

Pero natawa lang si sir.

Wahahaha!

At akalain mo bang hindi ako makapigil sa kakatawa.

Tipong back to normal na ulit ang lahat pero heto ako ngumingiti-ngiti.

Ekshelli, hanggang ngayon.

Bakit kasi hindi pwedeng matulog na nakadilat ang mga mata.

Sabi ni setamate “drawingan mo ‘yong sa mata mo” 

Syempre! NAiimagine ko.

Hagalpak na naman ako sa kakatawa.

Grabe naman kasi.

Medyo malawak kasi ang imahinasyon ko at kung anu-ano naiisip ko noong mga panahong ‘yon.

Pati si seatmate eh halos matawa na rin sa kakatawa ko.

Sorry hindi ko mapigilan matawa. 

‘Yon lungs naman. 

 

Posted by eloiski at 6:48 pm | permalink | Add comment